Ang cute ng pakiramdam ko ngayon, kahit na-boring na ako mag-open ng FS ko… (nakakainis, ang tagal ko maka-connect, kala ko banned na ko ^^)
Tiningnan ko na lang sa address bar (ewan ko anu tawag dun, basta yun tawag ko dun..) kung saan pa ako pwede maggala.
Blog. Hehe, yung site ko.
Isang click, dalawa…
Loading…
Natuwa ako bigla… ewan ko ba, parang nabuhay yung dugo ko nung makita ko yung mga sinulat ko… naka-apat na blog na pala ako…
Siguro para sa iba, chicken feed lang yun, pero sa akin, sa apat na yun, maligaya na ako. Eh sa tagal ba namang hindi ako nagsusulat, medyo nagkabuhul-buhul na utak ko. Akala ko pa nga, hindi ko na kakayanin kahit isang article…
Naalala ko tuloy ang simula…
Hindi ko malalaman na interes ko pala ang pagsulat kung hindi ako napasali sa Journalism Class nung elementary pa ako. Si Ma’am De Gula ang teacher namin nun.
Pito (o lima) kaming estudyante niya noon, tuwing alas-10 ang skedyul, dun sa 2nd floor ng cute na building. (Yung building na ka-konekta ng waiting shed dati ng Gen. T….wala na yon ngayon, hindi ko na alam kung anong ginawa, bago na bang building o ano…)
Hindi ko na nga rin matandaan kung paano ako napili para turuan niya ng special class na ganoon. Ito lang ang natatandaan ko…:
-Araw-araw, tinuturuan niya kami ng mga basics ng journalism sa edad naming 11-12 (Grade 5 pa kasi kami nun)
-Pang-college na’ng aklat ang gamit namin, (wala naman kasing version ng book na pang-elementary, eh… naboring pa nga ako magbasa nun, kasi walang drawing, puro sulat.. hehe..)
-ang gamit kong aklat ay yung aklat ni Kuya Edwin, (isa kasi sa subject niya yun nung nag-aaral siya ng Law sa FEU, hiniram ko, tapos hindi ko na naibalik…, hehe, sori… =)
-madalas dumugo ang ilong namin sa pag-intindi ng mga sinasabi sa libro… (hehe, kuntodo translation ang nangyayari… “Class, naintindihan ba?” sasagutin naman namin ng isang mahabang OOPPPOO.. eh kasi nga bata…)
-palagi’ng may nakahanda si Ma’am na exam… (mga balita yun na nira-rumble niya, kami ang mag-aayos ayon sa inverted pyramid… dun ko nga nalaman meaning ng inverted… hehe)
-Tinuruan niya rin kami ng cartooning… (medyo nakakadrawing na ako nun, taong palito, smile na walang ngipin, at kamay na puro buto pa… haha)
-Binu-boost na niya ang confidence namin,… (dito ako na-touch, kahit kasi hindi niya kami advisory, anak na ang turing niya sa amin… )
-First time kong naligaw nung pumunta ako sa bahay nila… (dun sa may Yamaha School of Music, dun sa may street dun, hanap ako ng hanap sa kanya, andun pala siya pagtawid, hehe)
-First tine ko din sumali ng mga contest… first time manalo, at syempre, nung sumunod, natalo… weheheh)
Sa experience kong yun, narealize kong ang sarap satap palang maging writer… gusto ko, maging news writer ako…
Kaya lang, talagang gusto ko rin naman ang kursong kinuha ko…
Ang turo ni Ma’am De Gula, ibinaon ko na lang… pagsulat ng essay, pagconstruct ng intro, closing at body, etc…sa high school at sa college…
Hanggang ngayon, kapag nagiging proud ako at nakakatapos ako ng isa, si Ma’am ang naaalala ko. Masaya ako dahil sa isang parte ng Grace na ginising niya. Yung bahagi ng pagkatao kong gustong-gusto kong paghusayin pa, =)